Andi Eigenmann at anak na si Ellie, sasabak na sa homeschooling


Matapos ang ilang buwang pagbabakasyon sa piling ng amang si Jake Ejercito sa Manila, back in Siargao na si Ellie Eigenmann Ejercito at sasabak na sa homeschooling program under the ministrations of her mom. Ellie is an incoming fourth grader.

PHOTO: @andieigengirl on Instagram

Matapos ang ilang buwang pagbabakasyon sa piling ng amang si Jake Ejercito sa Manila, back in Siargao na si Ellie Eigenmann Ejercito at sasabak na sa homeschooling program under the ministrations of her mom. Ellie is an incoming fourth grader.

Papasok na sa panibagong phase ng pagiging nanay ang aktres na si Andi Eigenmann ngayong isasabak na n’ya ang panganay n’yang si Ellie sa homeschooling. 

Ang home schooling ay isang flexible and personalized education program na maa-avail sa mga home-school providers na aprubado ng Department of Education.

Ibinahagi ito ng celebrity mom sa kanyang Instagram post last October 2 kung saan sinabi n’yang magsisimula na ang pasukan nila ng kanyang nine-year-old daughter. 

“Our SY 2021- 2022 is about to begin!” panimula ni Andi sa kanyang IG post kalakip ang series of photos kanyang anak na nakasakay sa duyan.

Matagal na panahon daw na hinintay ng Siargao-based mother of three ang pagdating ng pagkakataon na ito na ituloy ng kanyang eldest daughter ang schooling nito. Nagka-gulo-gulo na kasi ang schedule ng mga klase sa iba-ibang eskwelahan since last year dahil sa ongoing pandemic. 

Aware si Andi na hindi daw ito magiging madali pero masaya daw s’ya na magagabayan n’ya personally ang learning stages ni Ellie na ngayon ay nasa fourth grade na. 

“It’s our first year as a homeschooling fam, but I’ve been looking forward to this for a while,” aniya.

“I know it wont always go smooth and easy but just so grateful for the opportunity to be able to personally help them on their learning journey, watch them discover and explore new things about themselves, and about real lessons, about the real world! And believe in their ability to spread their wings and fly!” pagtatapos ni Andi.

Umani naman ng suporta ang mag-ina muna sa kanilang online followers. 

At present ay meron nang mahigit 89K likes ang IG post na ito ni Andi.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Andi Eigenmann at anak na si Ellie, sasabak na sa homeschooling
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment