Ina Feleo, hindi na mapag-kikim; tinuruan ng Italian husband na maglabas ng emosyon


Isa sa mga marriage insights na ibinahagi ni Ina Feleo sa mga kapwa-artista ng To Have and To Hold: “Always remember that these are two individuals. Hindi ako naniniwala na [in marriage] you become one person. No, you’re still two individuals. Kaya may mga bagay talaga na ‘Ito ako at ’yan ka.’ And when you make the decision to get married you’re ready to accept the whole package.”

PHOTOS: @ina_feleo on Instagram

Isa sa mga marriage insights na ibinahagi ni Ina Feleo sa mga kapwa-artista ng To Have and To Hold: “Always remember that these are two individuals. Hindi ako naniniwala na [in marriage] you become one person. No, you’re still two individuals. Kaya may mga bagay talaga na ‘Ito ako at ’yan ka.’ And when you make the decision to get married you’re ready to accept the whole package.”

Mas natuto daw na makipag-communicate ang aktres na si Ina Feleo ngayong pinasok na n’ya ang buhay may-asawa.

Ito ang inilahad n’ya during the virtual media conference recently para sa kinabibilangan n’yang teleserye na To Have And To Hold. 

Nahingan kasi namin s’ya ng insights about her married life with her Italian husband na si Giacomo “James” Gervasutti na p’wedeng magsilbing tips sa co-star n’yang si Carla Abella na ikakasal na sa fiancé n’yang si Tom Rodriguez this October. 

At nagbigay naman ng magandang paliwanag ang Kapuso actress. 

Sa akin ’yong pinaka-importante is that you marry the person. You choose, e. ’Yon ang maganda sa marriage. Ikaw ’yong pipili kung sino ang makakasama mo habang buhay,” panimula ni Ina. 

Hindi ’yan pinilit sa ’yo. Hindi ’yan isang desisyon na gagawin mo because kinilig ka [lang] o something like that.”

Kumpiyansa naman daw s’ya na magiging maayos ang pagsasama nina Carla and Tom dahil may matibay na foundation na ang kanilang relasyon. 

“But then, Carla has been with Tom for many years,” pagpapatuloy ng award-winning actress. “And I’ve seen that kahit hindi talaga…kumbaga, ngayon lang kami ni Carla naging friends pero I’ve always seen them and I see na it’s a real relationship. I’m pretty confident na kakayanin nila.

Dagdag pa n’ya, “Always remember that these are two individuals. Hindi ako naniniwala na [in marriage] you become one person. No, you’re still two individuals. Kaya may mga bagay talaga na ‘Ito ako at ’yan ka.’ And when you make the decision to get married you’re ready to accept the whole package.”

At sa puntong ito ibinahagi n’ya ang isa sa mga naging lessons sa kanya sa pagkakaroon ng asawang foreigner. 

“Communication…’yan ang malaking-malaking natutunan ko dahil ngayon pa na kung kelan foreigner ’yong aking naging partner saka pa ako natutong mag-communicate kasi pinipilit n’ya ako,” lahad ni Ina. 

“I used to be someone na hindi nakikipag-[argue]… hindi ako nagsasalita, parang si kimkim [ang galit], ganyan. I guess it’s a very Filipino trait,” page-elaborate ni Ina.

Palagi daw kasing hinihingi ng mister n’yang si James ang kanyang saloobin sa tuwing may hindi sila pagkakaunawaan. 

“But with him, he wants me to say… ‘What’s your side of this argument? Ano’ng masasabi mo?’ And then, nagmi-meet, e. He respects me, e,” aniya. 

“I guess that’s another important tip. But all these things I know in my heart that Carla knows this and Tom knows this already.”

She also gave emphasis on respect na importante sa mag-asawa. 

Ayon, respect. Always respect that you’re still two people, you’re partner, you’re a team more than anything,” sey ni Ina. “So, kung anuman ’yong darating na pagsubok sa buhay n’yo, you’re a team. Tulungan ’yan.

Dugtong pa n’ya, kailangan daw na nagsasaluhan ang mag-asawa para tumibay ang kanilang pagsasama. 

Maaaring at some point…kunwari sa To Have And To Hold, ’yong isa ang mas mahina, the other one has to be stronger for the other one, for the other person,” lahad n’ya. 

“If one person is trying to find himself or herself you have to be ready to support also kasi ’yon ’yong kailangan n’yang pagdaanan,” pagtatapos ni Ina.

Ina exchanged I dos with James in an intimate wedding ceremony at the Pinto Art Museum in Antipolo last December 1, 2020. Naging magkasintahan sila ng limang taon prior to that.

Napapanood ngayon si Ina sa teleseryeng To Have And To Hold na kinatatampukan nina Carla Abella, Max Collins, and Rocco Nacino. It’s seen weeknights on GMA Telebabad.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Ina Feleo, hindi na mapag-kikim; tinuruan ng Italian husband na maglabas ng emosyon
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment