Ces Drilon, “na-stress drilon” belatedly sa Toni Gonzaga Bongbong Marcos interview


Ces Drilon is urging the public to register and vote come 2022 elections so as to “..,keep the wrong people out of office. Especially those that seek to rewrite history.”

Photos: @cesdrilon / @celestinegonzaga / @bongbongmarcos

Ces Drilon is urging the public to register and vote come 2022 elections so as to “..,keep the wrong people out of office. Especially those that seek to rewrite history.”

Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang ilabas ni Toni Gonzaga ang interview niya sa dating senador na si Bongbong Marcos (BBM) sa kanyang YouTube Channel.

 

Lumikha na ito ng maraming negatibong reaksiyon lalo na sa mga anti-Marcos at naniniwalang hindi nagamit ni Toni ang kanyang influence at ang kanyang YouTube Channel sa tamang paraan. Bagkus ay naging instumento umano sa effort ng mga Marcoses na irebisa ang history at pagtakpan

ang mga umano’y atrocities noong rehimeng Marcos.

 

Pero siyempre, may mga positibo ring reaksiyon. Marami rin ang nag-dependsa kay Toni lalo na ang tinaguriang Marcos loyalists.  

 

Hindi naman maitatanggi na naging malaki ang pakinabang ni Toni sa nangyari dahil halos maging “national issue” ang inilabas niya sa kanyang channel. Bukod sa dumami ang subscribers at views niya, sigurado rin na hundreds o thousands of dollars ang monetization ng partikular vlog niyang iyon na sa ngayon ay meron ng 7.8 million views.

 

Ang kilalang broadcast journalist na si Ces Drilon ay may belated reaction sa naging interview na ito ni Toni kay BBM.

 

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account kagabi, September 27, nilahad ng kilalang ABS-CBN broadcast journalist na nalungkot daw siya habang pinapanood ang naging interview ng kapwa Kapamilya niyang ni Toni kay Bongbong.

 

“Am so sad to watch Toni Gonzaga interview BBM. Sorry delayed reaction. Ngayon ko lang nakita kasi I thought I should watch him. Yes he learned a lot from his father-HOW TO PLUNDER THE NATION,” matalas na bitaw ni Ces sa una niyang tweet.

 

“I mean c’mon! Remember William Saunders? If you don’t know, just Google the name!” dagdag niya sa ikalawang tweet.

 

(Base sa mga reports, ang pangalang William Saunders daw ang ginamit ng dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang false o pekeng identity nito sa pagbubukas umano ng mga Swiss bank accounts.)

 

Bilang pang-huli, hinikayat ni Ces ang publiko na magpa-rehisro para maka-boto sa 2022 elections.

Nananalig din daw siyang pipiliin ng taong bayan ang mga tamang lider para sa bayan.

 

 “Now more than ever it is so critical to choose the right person to lead our nation. Our survival is at stake. Register and vote. And keep the wrong people out of office. Especially those that seek to rewrite history.”

 

May nag-comment sa tweet ni Ces, isang  @mang_inasarm, at biniro siya kung “na-stress drilon” daw ba ito sa napanood, na sinagot naman ni Ces ng: “Sobra!”

  

Hindi naman nag-reply si Ces sa tanong ni netizen @bimbyboi na: “Nagsisi po kayo na nag guest kayo sa show nya po oh hindi naman? Hugging face kasi po sana wag na lang bigyan ng platform ang mga kagaya nya. Nakaka lungkot.”

 

Dalawang buwan na ang nakararaan ay naging featured interviewee din kasi si Ces sa vlog ni Toni.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Ces Drilon, “na-stress drilon” belatedly sa Toni Gonzaga Bongbong Marcos interview
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment