Sunshine Guimary, “nabaliktad ang mundo” ngayong pandemic


PHOTOS: @sunshine_guimary on Instagram

PHOTOS: @sunshine_guimary on Instagram

Hindi inakala ng tinaguriang “Braless Goddess” na si Sunshine Guimary na magiging successful ang pagpasok n’ya sa showbiz dahil nangyari daw ’yon habang nasa gitna ng pandemya ang mundo. 

Ani Sunshine, hindi n’ya in-expect na magiging maganda ang kanyang 2021 dahil nga sa pandemya pero kabaliktaran daw ang nangyari sa buhay niya. 

Nasa point ako dati na [year] 2021 is hindi s’ya okay for me. Kasi nga hindi okey ’yong entry ko, na pumirma ako ng kontrata [last] 2020 kasagsagan ng lockdown and then lockdown again,” pagbabalik-tanaw ng Cebuana vlogger-turned-actress.

Pero ang nangyari, naging ratsada siya sa trabaho ngayong 2021. After kasi ng sexy-comedy launching movie n’ya na Kaka with Jerald Napoles and Ion Perez ay naitambal naman s’ya sa rapper and comedian na si Andrew E. sa comedy movie din na Shoot! Shoot!: Di Ko Siya Titigilan na ipapalabas na sa Vivamax on October 8.

Hindi pa man naipapalabas ang ikalawa n’yang pelikula ay heto’t may kasundo na, ang sexy-thriller heist film na House Tour.

Gayunpaman, hindi pa rin daw nagsi-sink in up to now na isa na siyang ganap na artista.

“Unexpectedly, hindi pa rin s’ya mag-sink in up until now nu’ng nagawa namin ’yong Kaka February this year. Ilang months lang sunod-sunod [na ang pasok ng projects]. So ’yon, nabaliktad ang mundo ko na ‘Wow! Posible pala,’” paliwanag pa ng sexy Viva actress. 

Dagdag pa n’ya, “Isa ako sa tao siguro na…mahirap i-explain. Actually, mahirap s’ya. Sa ngayon, ina-absorb ko pa s’ya paunti-unti in a nice way, in a good way – ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon.

“I’m so thankful talaga sa Viva. Grabe talaga. And nasa stage pa rin ako na  ‘Mangyayari pala lahat even though its pandemic.,” pagtatapos ni Sunshine. 

Anyway, sa pelikulang House Tour ay gaganap na isang sikat na artista and vlogger si Sunshine na pinagbigyan ang hiling ng mga fans and viewers niya na mag-house tour siya sa kanyang mala-resort na mansyon. 

Dahil doon ay napag-aralan ng mga nakapanood na akyat-bahay gang ang pasikut-sikot ng kanyang bahay na s’yang magiging kuwento ng movie. 

Kasama ni Sunshine sa pelikula sina Rafa Siguion Reyna, Marco Gomez, Diego Loyzaga, Mark Anthony Fernandez, Cindy Miranda, and more. 

Mapapanood ang House Tour, directed by Roman Perez, Jr., starting October 22 on Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also starting October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Sunshine Guimary, “nabaliktad ang mundo” ngayong pandemic
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment