Andrea Torres, bumiyahe ng 41 hours para sa romantic film project sa Argentina


Pasional ang titulo ng pelikula at makakatmbal niya ang local actor doon na si Marcelino Melingo. Maliban sa acting, pinaghandaan din ng sexy Kapuso actress ang pagsasayaw ng tango dahil dancer ang kanyang magiging role.

PHOTOS: @andreaetorres & @marcelomelingo on Instagram

Pasional ang titulo ng pelikula at makakatmbal niya ang local actor doon na si Marcelino Melingo. Maliban sa acting, pinaghandaan din ng sexy Kapuso actress ang pagsasayaw ng tango dahil dancer ang kanyang magiging role.

Zero man ang love life ay hataw naman sa career ang aktres na si Andrea Torres.

Maliban kasi sa kasalukuyang ume-ere ngayon na cultural drama series n’ya na Legal Wives with Dennis Trillo at lesbian-themed digital series n’ya na BetCin katambal si Kylie Padilla, heto’t nasa bansang Argentina pala ngayon ang aktres para mag-shoot ng isang foreign romantic film na isang co-production venture ng GMA Network at Argentinian TV/movie production outfit called Malevo Films. 

Sa interview n’ya with GMA reporter Nelson Canlas na ipinalabas kagabi, October 26, sa 24 Oras, sinabi sinabi ng aktres na ramdam n’ya ang maiinit na pagtanggap sa kanya ng Argentinian production lalo’t first time daw n’yang makarating doon. 

“I’m sure ma-e-enjoy ko po ang trabaho ko po with them kasi hindi pa man po ako nakakaalis [ng Pilipinas] talagang very warm na sila sa akin at inaasikaso nila akong mabuti,” pagbabahagi ni Andrea na bumiyahe raw ng 41 hours papuntang Argentina. 

Pasional ang titulo ng pelikula at makakatmbal niya ang local actor doon na si Marcelino Melingo. Maliban sa acting, pinaghandaan din ng sexy Kapuso actress ang pagsasayaw ng tango dahil dancer ang kanyang magiging role. 

Kinailangan ko pong aralin ang tango para dito and nagkaroon din po ako ng Spanish lessons,” pagbabahagi pa ni Ada, nickname ni Andrea.

Tatagal ng ten days ang pagshu-shoot n’ya ng pelikula sa nasabing Latin American country. Kukunan naman ang second part ng movie sa Palawan sa susunod na taon. 

Ito na ang ikalawang foreign film ni Andrea matapos nilang magtambal ni Mikael Daez noong 2016 para sa Cambodian film na Fight for Love.

After ng shooting n’ya sa Argentina, didiretso raw ng US ang aktres para bisitahin ang kanyang pamilya. 

“First time ko rin kasing makarating ng US, so susulitin ko na po. Mag-e-LA po ako and magbe-Vegas. Nagkataon din po na thanksgiving [doon].” pagtatapos n’ya.

Congratulations, Andrea!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Andrea Torres, bumiyahe ng 41 hours para sa romantic film project sa Argentina
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment