Donnalyn Bartolome, iginupo ng food poisoning


Hindi raw alam ni Donnalyn Bartolome kung alin sa mga kinain niya ang salarin sa pagkaka-food poison niya. “Ang kinain ko nu’n is tilapya…fried fish,” pagre-recall ni Donna. “Tapos kumain din ako ng tuna in a can, mayonnaise, cookies, milk. ’Yon lang ’yong kinain ko that day and I don’t know kung alin doon.”

SCREENSHOT: Donnalyn on YouTube

Hindi raw alam ni Donnalyn Bartolome kung alin sa mga kinain niya ang salarin sa pagkaka-food poison niya. “Ang kinain ko nu’n is tilapya…fried fish,” pagre-recall ni Donna. “Tapos kumain din ako ng tuna in a can, mayonnaise, cookies, milk. ’Yon lang ’yong kinain ko that day and I don’t know kung alin doon.”

Nag-lie low daw palang pansamantala sa social media ang singer-actress and vlogger na si Donnalyn Bartolome nitong mga nakaraang linggo to regain her strength matapos s’yang ma-food poison. 

Ibinahagi n’ya ito sa kanyang latest vlog entry na in-upload on her YouTube channel on October 23. Doon ay inilahad n’ya ang kanyang food-poisoning experience. 

“It was the most painful feeling for me. Grabe ’yon,” paglalarawan ni Donna.  

Mas gugustuhin pa daw n’yang mabalian ng buto kesa ang naranasan uli ang na-experience n’ya.

“I mean, I want to compare it to breaking bones ’cause I would rather break a bone that to ever feel the way I did with food poisoning,” pagpapatuloy niya.

“When you break your bone, normally, you can avoid the feeling of pain by just not moving. You can control it. Pero this one, ’yong pain na napi-feel mo dito, you’re not in control. 

“It was mental torture for me. And feeling mo talaga mamamatay ka na. Kasi kada hihilab ’yong tiyan ko, it was so painful to the point na mahihimatay ako.

Ipinasilip nga n’ya ang ilang clips dated October 11 kung saan makikita s’yang hindi makakilos sa kama, nahihilo, at nagsusuka.

Hindi naman daw n’ya gustong magpa-admit sa ospital noon given the current situation na may ongoing COVID-19 pandemic pa rin. 

“It’s scary to go to the hospital. If it doesn’t get better within 48 hours, doon ako pupunta ng ospital,” aniya. “Kasi it’s dangerous to go to the hospital during this time. We all know, right? [There’s] COVID.”

Pagtataka n’ya, bukod tanging s’ya lang daw ang sumama ang pakiramdam gayong pare-pareho lang naman daw sila ng kinain ng mga kasama n’ya sa bahay. 

Ang kinain ko nu’n is tilapya…fried fish,” pagre-recall ni Donna. “Tapos kumain din ako ng tuna in a can, mayonnaise, cookies, milk. ’Yon lang ’yong kinain ko that day and I don’t know kung alin doon [’yong nakalason sa akin],” pagre-recall ng Viva artist. 

“Sila naman, okey naman sila dito and we ate the same thing. Except for milk.”

Hindi naman daw panis o expired ang gatas na ininom n’ya kaya palaisipan kung paano s’ya nagkasakit.

Dahil sa pangyayaring ito, nagbigay ng paalala ang tinaguriang “Social Media Goddess” sa kanyang viewers para hindi mangyari sa kanila ang naranasan n’ya. At kung maranasan man ay ano ang mga p’wedeng gawin.

Una na dito ang pagsi-sit up umano para ma-relax at paglalagay ng hot compress sa tiyan. Nakatulong daw ’yon sa kanya para bumuti ang kanyang pakiramdam. 

Ginawa n’ya rin daw ang palagiang pag-inom ng tubig para mapalitan ang liquid na isinusuka n’ya. 

Dahil ayaw ngang magpa-ospital kahit imbyerna sa kakambal sa sakit ng ulo, uminom daw si Donna ng paracetamol every four hours. Pero paalala n’ya, mas mabuti daw na kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng anumang gamot.

She also took probiotic drinks gaya ng Yakult and yogurt.

Importante rin daw ang tulog at pahinga. 

Nag-sterilize rin daw sila ng mga utensils o ang pagbabanli ng mainit na tubig sa mga kubyertos at mga gamit sa kusina. 

Ugaliin din daw maghugas ng kamay palagi. 

Dagdag pa niya, i-store properly ang mga left-over food.

“Reason kung bakit? P’wede kang ma-food poisoning, p’wedeng you didn’t store your food, right?” pagpapatuloy ng aktres. 

“’Yong mga left overs—E, left overs pa naman ’yong mga kinain ko—it’s possible na nadapuan s’ya ng fly or ’yong utensils ko nalakaran ng ipis. Maraming factors na hindi ako sure ’yong reason talaga why I was food poisoned. 

Kapag may left over [food] kayo i-ref n’yo kaagad. Store it properly. Don’t just leave food lying around the table nang walang takip. Just put it in the fridge right away after eating kasi sobrang sakit nito [food poisoning]. You wouldn’t want anyone from your family to feel the way I did. Maaawa kayo,” pagtatapos ni Donna.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Donnalyn Bartolome, iginupo ng food poisoning
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment