“Slow Dance” single ni Kelvin Miranda, hindi daw pantapat sa ‘Mabagal” ni Daniel Padilla


Bukod sa pag-arte, Kapuso hunk Kelvin Miranda is exploring music this time via a new single. “Importante po kasi sinubukan ko, e. ’Yon po ang pinanghahawakan ko. Sige, susubukan ko lang kesa magsisi ako na kaya ko naman pala pero hindi ko sinubukan.”

PHOTOS: GMA Network & @imdanielpadillaofc on Instagram

Bukod sa pag-arte, Kapuso hunk Kelvin Miranda is exploring music this time via a new single. “Importante po kasi sinubukan ko, e. ’Yon po ang pinanghahawakan ko. Sige, susubukan ko lang kesa magsisi ako na kaya ko naman pala pero hindi ko sinubukan.”

Natawa na lang ang aktor na si Kelvin Miranda nang matanong ng entertainment press kung patapat ba sa “Mabagal” single ni Daniel Padilla ang new single n’ya na “Slow Dance.” Nagkataon kasi na parehong tungkol sa bagal ang theme.

Sagot ni Kelvin, wala daw sa isip n’ya na tapatan ang sinuman sa bago n’yang kanta. 

Bakit po [ganu’n ang tanong]?” natatawang balik-tanong n’ya sa press. “Wala po akong gustong tapatan. Wala po akong gustong… Gusto ko lang po i-alay ’to sa mga taong [sumusuporta sa akin].”

Pagdi-differentiate pa n’ya sa kanta n’ya at ni Daniel, “’Yong sa ‘Mabagal’ po kasi medyo jazz…bossa nova, e. Parang ganu’n ’yong dating n’ya. Pero ’yong ‘Slow Dance’ po kasi para s’yang dreamy na ballad. Medyo mabagal din ’yong song at soulful ’yong dating nu’ng areglo. 

“’Yon po. Pero wala po akong gustong tapatan,” natatawang pahabol pa ni Kelvin. 

At this point of his career daw kasi ay nasa exploring stage pa rin s’ya. Ito ay kahit nag-hit at tinangkilik ang dalawa n’yang TV series na The Lost Recipe with Mikee Quintos, and Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette katambal si Beauty Gonzales.

This time, gusto daw n’yang i-explore naman ang pagkahilig n’ya sa music. 

Gusto ko rin po bigyan ng time ang pagkanta po and bigyan din ang sarili ko ng opportunity para ma-explore ko ’yong iba’t ibang bagay,” paliwanag ng 22-year-old Kapuso hunk. 

Ayoko po kasi na masarado ako sa isang parte lang ng pupuwede kong gawin. So, kung kaya kong gawin p’wede akong mag-explore,” he continued. 

Kung hindi ako bagay doon, e, di hindi ko na lang s’ya ituloy. Pero importante po kasi sinubukan ko, e. ’Yon po ang pinanghahawakan ko. Sige, susubukan ko lang kesa magsisi ako na kaya ko naman pala pero hindi ko sinubukan.

Patikim pa n’ya, bahagi nga daw ng pag-e-explore na ito ang paggawa ng pelikula dahil may inilalatag daw sa kanyang mga movie projects. 

Sa mga movies din po. Soon, meron akong gagawin. Meron po akong gagawing movie,” pagbabahagi ni Kelvin. 

At dahil hindi pa finalized ang lahat, hindi muna nagdetalye ang aktor. Pero sinabi n’yang love story daw ang magiging kuwento ng pelikula. 

Tungkol naman sa kanyang single na “Slow Dance” na isinulat ni Jomari Jintalan, inspired daw ’yon sa prom night kung saan naging magkasintahan ang dating magkaibigan. 

May mas malalim namang interpretasyon sa bago n’yang kanta si Kelvin

Aniya, “’Yong perspective ko du’n sa song is nadye-generalize ko kasi lahat, e, nung time na ’yon na parang hindi lang s’ya for special someone. Lagi ko naman sinasabi na slow down. Ang dating sa akin [nu’ng kanta] is take it easy, take time. 

“Hopeful ’yong song.” Patuloy niya. “At isa rin ’yon sa mga nagustuhan ko. And inaalay ko naman s’ya [ang kanta] sa mga fans ko, sa mga tagasuporta ko,” pagtatapos ng actor-singer.

At present, available na ang Slow Dance ni Kelvin on Spotify, YouTube Music, Apple Music, and other digital stores worldwide.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



“Slow Dance” single ni Kelvin Miranda, hindi daw pantapat sa ‘Mabagal” ni Daniel Padilla
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment