Gladys Reyes, lubos ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng ama; “Pagod na siya.”


January this year nang ma-angiogram at angioplasty ang Papa ni Gladys following a heart attack. Bilang panganay na anak, hindi nagdalawang-isip na magbantay sa hospital sa kabila ng matinding takot at pag-iingat ni Gladys sa COVID-19.

Photos: @iamgladysreyes

January this year nang ma-angiogram at angioplasty ang Papa ni Gladys following a heart attack. Bilang panganay na anak, hindi nagdalawang-isip na magbantay sa hospital sa kabila ng matinding takot at pag-iingat ni Gladys sa COVID-19.

Kasalukuyang nagdadalamhati ang aktres na si Gladys Reyes sa pagpanaw ng kanyang amang si Mr. Sonyer Reyes, kahapon, Lunes, October 25 ng umaga.

Sa Facebook account ni Gladys namin unang napansin na may pinagdadaanan ito dahil sa kanyang status na ipinost noong umaga rin ng October 25 na, “Thy Will Be Done.”

Nang magpadala kami ng private message sa kanya at tanungin kung okay lang ba ito dahil nga sa kanyang status, sumagot si Gladys na: “Papa ko, anytime na.”

Pero ilang minutes lang matapos ang palitan namin ng private messages nang balikan niya kami at sabihing: “Wala na ate.”

Ayon kay Gladys, biglaan lang din daw ang lahat dahil noong Miyerkules lang daw noong nagdaang linggo nang magpakita ito ng panghihina at tila may nag-iba na sa kanyang kondisyon.

January this year nang ma-angiogram at angioplasty ang Papa ni Gladys following a heart attack. Ito ’yong procedure ng paglalagay ng stent sa mga baradong arteries. Bilang panganay na anak, hindi nagdalawang-isip na magbantay sa hospital sa kabila ng matinding takot at pag-iingat ni Gladys sa COVID-19.

Masaya ang actress dahil sa nakitang pag-recover ng ama mula sa operasyon. Kaya ganoon nalang ang lungkot ng aktres sa biglaan nitong panghihina na nauwi sa pagkasawi kahapon.

Ayon kay Gladys sa aming chat, “Nag-fail na ang heart, lungs at kidney niya.”

At sa kanyang Facebook post din kahapon, kunsaan makikita ang video nilang mag-ama na nagdu-duet, nilinaw na rin niyang hindi COVID-19 ang naging sanhi ng pagpanaw ng Papa niya.

“Magkikita tayo uli sa bayang banal, Pa ❤” malungkot na saad ni Gladys sa Facebook

“Sa mga nagtatanong po, negative sya sa covid. Multiple organ failure (heart,lungs and kidney).”

Sa pag-uusap pa rin namin, sinabi ni Gladys na, “Pagod na siya,” na ang tinutukoy nito ay ang pakikipaglaban siguro sa kanyang naging karamdaman.

Sa mga malapit kay Gladys at mga nakakakilala dito ng lubos, siguradong kilala rin nila ang ama ng actress na simula pa lang nang mag-artista si Gladys noong bata siya ay siya nang madalas na niyang nakakasama. Tight-knit ang pamilyang Reyes at maging ang mga manugang ay close sa namayapang haligi ng tahanan.

Kaya alam namin na sa kabila ng ipinapakitang katatagan ni Gladys ngayon ay matinding kalungkutan ang nararamdaman nito ngayon.

Wala pang detalye kung saan nakalagak ang labi ng ama ng actress. Ang pamilya Reyes ay tapat na miyembro ng INC o Iglesia Ni Cristo. 

Nakikiramay kami sa Pamilya Reyes.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Gladys Reyes, lubos ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng ama; “Pagod na siya.”
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment