Heaven Peralejo, naka-move on na from breakup: “I just need friends and I just need me.”


Matapos aminin nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada ang kanilang relasyon sa social media last August by posting their sweet photos together; sa social media din nila idinaan ang pag-anunsyo ng breakup via the act of unfollowing one another.

PHOTO: @heavenperalejo on Instagram

Matapos aminin nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada ang kanilang relasyon sa social media last August by posting their sweet photos together; sa social media din nila idinaan ang pag-anunsyo ng breakup via the act of unfollowing one another.

Naka-move on na daw ang aktres na si Heaven Peralejo mula sa breakup nila ni Kiko Estrada pero hindi pa s’ya handang magmahal muli.

Sinabi n’ya ito sa kanyang vlog na kinunan during their vacation in Siargao at in-upload sa kanyang YouTube channel last October 25. Doon kasi ay sumalang s’ya sa “Drink or Spill challenge” with her two non-showbiz friends.

Unang tanong pa lang kay Heaven ay pamatay na agad dahil tungkol ’yon sa kanyang present relationship status.

“I’m single but not ready to mingle,” masayang sagot n’ya sa tanong ng mga kaibigan.

Ito ang unang pagkakataong na binigyang-linaw ni Heaven kung tama ba ang hinala ng netizens na break na sila ni Kiko Estrada matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram last September, isang buwan matapos nilang aminin sa publiko ang kanilang relasyon by posting sweet photos of them together sa kani-kanilang Instagram accounts noong August.

Nahaluan pa ng kontrobersya ang pag-amin nila dahil kaka-break lang din noon ni Kiko sa ex-girlfriend nitong si Devon Seron.

However, sa interview ni Kiko with comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz last August din, nilinaw ng aktor na walang naganap na overlapping sa pakikipagrelasyon n’ya kina Devon at Heaven.

Pero bagama’t nilinaw ni Kiko ang lahat, hindi pa rin sila nilubayan ng bashing ng Netizens tagging Heaven as “ahas,” Kiko as “two-timer,” habang underdog ang naging dating ni Devon.

Marahil, hindi kinaya ng kanilang young relationship ang natanggap na harsh reaction ng publiko.

By September nga, tila agad na nag-iba ang ihip ng hanging between Kiko and Heaven. Muling pinag-usapan ng netizens ang dalawa matapos nilang mapansin na in-unfollow ni Kiko ang lahat ng accounts sa kanyang Instagram, kabilang na ang IG account ni Heaven. Binura din n’ya ang lahat ng photos nila doon kaya mabilis na umugong ang usap-usapang hiwalay na agad sila.

Agad ring nag-unfollow si Heaven sa IG account ni Kiko. Tulad ng huli, dinelete din n’ya ang photos nilang dalawa. Kaya naman lumakas ang espikulasyon na talagang pinutol na ng dalawa ang kanilang tatlong-buwang relasyon. 

At bilang panghuling tanong sa vlog, her friends asked Heaven kung naka-move on na ba s’ya. 

“What I can say is yes and nandito ako sa phase na sobrang cliché but I’m loving myself. I’m getting to know me. Ibang phase talaga ’yon,” the actress answered.

Kaya nandito rin ako sa Siargao kasi I want to learn independency, enjoy life na I don’t need [to be in a] relationship. I just need friends and I just need me.

“I’m really happy right now…super happy. As in walang bigat sa puso ko. Nandu’n ako sa phase na ’yon,” pagtatapos ni Heaven.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Heaven Peralejo, naka-move on na from breakup: “I just need friends and I just need me.”
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment