Hindi ikinaila ng singer-actress na si Gigi de Lana na na-starstruck s’ya sa unang pagkikita nila ng aktor na si Gerald Anderson.
Inamin n’ya ito sa Facebook Live interview nila ni Gerald with Star Creatives last October 27 habang nasa lock-in taping. Gumulong na kasi ang shoot para sa pagtatambalan nilang serye na “Hello, Heart.”
Ani Gigi, kinabahan daw s’ya nang makita n’ya ang Kapamilya actor pero hindi daw s’ya nagpatinag at nagpakatotoo s’ya dito.
“Na-starstruck ako. ’Yong starstruck na, ‘Anong sasabihin ko dito?’” pag-amin ni Gigi sa interview.
“Kinabahan ako, promise. Kinabahan ako nu’ng nakita kita. ‘Paano kaya ito? Seryoso kaya ito? Hindi! Wala. Ipapakita ko talaga ’yong totoong ako.”
To break the ice and para mabawasan ang kaba, binungaran daw niya si Gerald ng: “‘Uy, ang gwapo mo naman.’ Ganu’n agad. Hahaha!
“Tapos talagang ano…’yong tawa ko pinakita ko. ’Yong kakulitan ko pinakita ko na. Kasi sa akin nu’ng time na ’yon naisip ko, ‘Kung hindi ko ipapakita kung sino ako kailan pa?’” pagpapatuloy n’ya.
“Dapat sa first day agad para, alam mo ’yon, para malaman n’ya na, ‘Ah, ganito pala ’tong babaeng ’to. Masyadong madaldal.’ Hahaha!”
Kontra naman ng aktor sa inilahad n’ya, “Hindi naman masyadong madaldal. Madaldal pero, alam mo ’yon, masarap kausap.”
At dahil first time nga na bibida sa isang serye si Gigi, halo-halong emosyon daw ang kanyang naramdaman mula nang i-offer sa kanya ang project.
“Nu’ng narinig ko ang offer na ito nga, na magkakaroon ako ng serye, s’yempre nagulat ako. Sabi ko, ‘Totoo ba ’to? Teka lang ah,’” pagre-recall n’ya.
“Sa puso ko excited, kabado kasi first time ko, e. First time na ang daming lines agad. Ang partner ko si Gerald. [Naisip ko], ‘Ang tagal na nito [sa showbiz].’ Alam mo ’yong mai-intimidate ako kahit ’di ko pa s’ya nakikita?”
“Kasi sobrang tagal ko na [sa industriya],” natatawang komento naman ni Gerald.
Dugtong naman ni Gigi, “Parang ako, ‘Baka magalit sa akin si Gerald ’pag hindi ko nagawa ’yong ganu’n.’ Over thinker kasi ako, e. Grabe ako mag-over think sa mga bagay-bagay. Stressed ako, at the same time, masaya.”
Sey naman ng Filipino-American actor, normal lang daw na maramdaman ni Gigi ang magkakahalong emosyon dahil kahit daw s’ya na ilang taon na sa showbiz ay nararamdaman pa rin ’yon tuwing magkakaroon s’ya ng bagong project.
“’Yong excitement, stress, ’yong hindi ka sigurado sa kung anong mangyayari… Ganu’n talaga,” pahayag ni Gerald.
“Sabi nga n’ya [ni Gigi] sobrang tagal ko na [sa showbiz] pero ’yong feelings na ’yan nararamdaman ko pa rin every project na gagawin ko.
“So, I’m happy na tinitingnan ko s’ya in a way na, at least, hindi nawawala ’yan. And that keeps me going. ’Yong drive ko…Nae-excite pa ako.”
Nagbigay pa ng payo ang aktor sa showbiz newbie at tiniyak na aalalayan daw n’ya ito habang ginagawa nila ang pagbibidahang serye.
“Enjoy. Pace yourself. Kailangan mo ng stamina sa trabahong ito,” lahad ng PBB alumnus.
“Tingnan mo, first day pa lang pero medyo draining na. Wala pa ’yon. Meron pa tayong three days then rest, then four days ulit. So, stamina…physically and emotionally, ako ang coach mo,” pagtatapos ng aktor.
“Kinabahan ako lalo,” pabirong tugon ni Gigi. “Paano ba ’to? Magbubuhat ba ako [ng weights]?”
Umaasa naman daw s’ya na marami s’yang matututunan habang ginagawa nila ang Hello, Heart series.
“Ako, nilo-look forward ko more learnings talaga dito sa genre na ito. More patience din sa sarili ko,” aniya.
“Kanina gusto ko na sampalin ’yong sarili ko kasi parang ’di ko siya nagagawa. Parang may ganu’n akong tendency kasi, e. Kailangan ko pa mag-focus. Tiwala sa lahat ng nakakasama ko and mas ibigay ko pa ’yong mas nararapat sa role ko,” pagtatapos ni Gigi.
Wala pang detalye kung kailan mapapanood ang Hello, Heart nina Gerald at Gigi pero ipapalabas daw ito sa Asian entertainment platform na iQiyi.
First-meeting dialogue ni Gigi de Lana, “Uy, ang g’wapo mo naman.’ Ganu’n agad.”
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment