LJ Reyes, game daw pumunta ng Baguio “with a friend” someday

Tawang-tawa ang aktres na si LJ Reyes nang matanong s’ya ng veteran TV host na si Boy Abunda kung game ba s’yang pumunta sa Baguio City with someone as a friend in the future.

Naganap ito sa face-to-face interview ng huli sa Kapuso actress sa New York para sa online show na The Interviewer Presents na in-upload sa YouTube kagabi, October 27.

Kaugnay kasi ang naging tanong na ito kay LJ sa paliwanag ng ex-partner n’yang si Paolo Contis in his Facebook post na nagpunta s’ya sa Baguio para magmuni-muni noon. At dito ay dinamayan umano s’ya ng aktres na si Yen Santos “as a friend.”

Si Yen, ang leading lady niya na sa A Far Away Land, ay nali-link kay Paolo at naakusahang third party ng netizens matapos mabalitang problematic ang kanilang relasyon.

Sa mata ng publiko, ang sightings sa kanila sa Baguio at Manaoag—na may mga resibong photos and videos from Netizens—ay kumpirmasyon ng relasyong Paolo at Yen. 

Sa paglilinaw at paghingi ng tawad ni Paolo kay LJ, na idinaan sa Facebook, isa sa mga inamin niya ay the fact na si Yen nga ang babaeng nakuhanang kasama niya, but that she was only there for him “as a friend.”

Matatandaang nag-trending pa online ang Baguio at ang katagang “as a friend” na nilaro ng netizens at ginawan ng iba’t ibang memes.

Resounding “Yes, Tito Boy,” ang natatawang sagot ni LJ sa tanong.  “Why not? I’m proud of Baguio as a Filipino. I mean, maraming p’wedeng puntahan doon, Maraming p’wedeng kainan, Tito Boy. So, yes.”

Bukod pa doon ay taga-Baguio daw kasi ang ex-boyfriend n’yang si Paulo Avelino na ama ng panganay n’yang si Aki. 

“Actually po, Tito Boy, Paulo Avelino is from Baguio. So, may family doon si Aki. Pupunta talaga kami doon,” natatawang lahad n’ya.

At dahil nabanggit si Paulo, naungkat na rin niya na nag-message daw ito sa kanya noong dumating silang mag-iina sa New York months ago matapos ang naging hiwalayan nila ni Paolo Contis, na tatay naman ng second child n’yang si Summer.

Hindi naman daw sila totally friends ni Paulo sa ngayon pero supportive father daw ito sa anak nilang si Aki. 

“We’re not ‘friends-friends’ na parang every day nag-uusap, but he’s been there for Aki naman,” pagbabahagi ni LJ. “He’s been in touch, especially… siya ’yung nag-message sa akin. Siya ang nag-send sa akin ng message.”

Nagsabi lang siya na, parang, ‘I know you’re going through a very difficult time,’” pagpapatuloy n’ya. “At s’yempre, ang iniisip niya rin is si Aki, and if anything daw that I need when it comes to Aki, I can always tell him.”

Tumagal din ng apat na taon ang relasyon nila noon ni Paulo before they decided to part ways in 2013. 

Natanong din ni Tito Boy si LJ kung may pagre-reach out na rin bang ganu’n ang ex-partner n’yang si Paolo Contis. 

“No, Tito Boy. No efforts,” matipid at matter of fact na sagot ni LJ. 

Gaya sa mga nauna n’yang interviews, sinabi ng StarStruck Season 2 graduate na hindi pa n’ya lubusang napapatawad ang aktor. 

“Tito Boy, it’s a work in progress,” saad n’ya. “Ipinagdadasal ko na mapatawad ko siya because I know that if I don’t forgive him, this very dark emotion will just eat me up and I won’t be able to move on with my kids, move forward with my kids nang maayos, ’yong walang galit o walang… s’yempre may pain. I mean, hindi pa mawawala ’yon.

“But for me to make at least decent decisions or decisions that will benefit my kids. I really have to set aside all those negative emotions, which is very difficult, Tito Boy.”

Pagpapatuloy n’ya, “Every day, I always pray na sana kapag gumawa ako ng desisyon, it will always be based on God’s will or kung ano ’yung makakabuti sa mga anak ko.

“I really do believe that I really have to forgive, not forget, not forget but forgive.”

Nahingi din ng TV host ang reaction n’ya sa naging Facebook post ni Paolo kung saan inako nito ang pagkakamali n’ya at ang paghingi nito ng tawad. 

“I know that he would eventually have to release a statement, he would have to speak up. But it’s something na parang hindi ko na po binigyan ng atensyon masyado,” sagot n’ya.

“I mean, hindi po madali, honestly. Baka akalain ng mga tao madaling gawin ’yon na i-disregard na lang kung ano ’yong nababasa namin or mga nakakarating sa amin. Pero it’s really a difficult process para marinig at makita para iisang tabi mo, Tito Boy or else it’s just gonna break you,” pagtatapos ni LJ.

Unang pumutok ang balitang hiwalay na sina Paolo at LJ last August nang mapansin ng netizens na in-unfollow ng aktor si LJ sa Instagram at binura n’ya ang lahat ng photos nito sa account n’ya.

Noong September 1 naman nang lumabas ang virtual interview ni LJ, with Boy Abunda din, kung saan n’ya emosyonal na ikinuwento partly ang masalimuot na dahilan ng paghihiwalay nila ng aktor.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



LJ Reyes, game daw pumunta ng Baguio “with a friend” someday
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment