Marian Rivera admits she wants one more baby: “Talagang hoping pa ako for one last [baby].”


Marami ang naiinip sa pagbabalik-teleserye ni Marian Rivera. Pero aminado siyang takot pa siyang maglalabas sa ngayon. However, she assures her fans na never naman siyang mawawala o titigil. “Nasa daloy na ng dugo ko ang trabahong ito [showbiz] at mahal ko ito at hindi ito mawawala. Ke tumanda na ako, as long as nand’yan ang GMA for me, wala…and’yan pa rin ako. Hintay lang tayo nang tamang panahon na mas maging maayos ang lahat, mas safe. So, babalik at babalik naman ako.”

PHOTO: Tadhana/GMA-7

Marami ang naiinip sa pagbabalik-teleserye ni Marian Rivera. Pero aminado siyang takot pa siyang maglalabas sa ngayon. However, she assures her fans na never naman siyang mawawala o titigil. “Nasa daloy na ng dugo ko ang trabahong ito [showbiz] at mahal ko ito at hindi ito mawawala. Ke tumanda na ako, as long as nand’yan ang GMA for me, wala…and’yan pa rin ako. Hintay lang tayo nang tamang panahon na mas maging maayos ang lahat, mas safe. So, babalik at babalik naman ako.”

Natawa na lang si Marian Rivera nang muling matanong ng entertainment press ukol sa posibilidad na masusundan na ang bunso nilang si Sixto ng mister n’yang si Dingdong Dantes.

Nangyari ito during the virtual media conference ng Kapuso Primetime Queen last November 8 para sa 4th anniversary ng weekly anthology na Tadhana kung saan s’ya ang nagsisilbing host.

Recently kasi ay nakapag-beach vacation ang Dantes Squad—and DongYan couple kasama ang dalawa nilang tsikiting na sina Zia at Sixto—at kinumusta ng press ang experience nilang ito. Simula kasi nu’ng nagka-pandemic ay dalawang beses pa lang nilang naipasyal ang kanilang mga anak. 

S’yempre, iba pa rin pag nakaka-beach ka, nakikita mo ’yong mga anak mo naglalaro talaga sa labas na wala kang alalahanin,” paliwanag ng hands-on mommy na si Marian. 

Iba pa rin talaga kasi ang bata ay lumalabas talaga at naglalaro. S’yempre, sa case natin ngayon ay hindi maari [na palaging lumalabas]. Safety first muna tayo para sa mga bata.

Maliban sa mga bata, masaya daw s’ya na kahit papaano ay nagkaroon sila ni Dong ng moments nila together na walang iniisip na commitments. 

S’yempre, nakakatuwa [na] masaya sila Zia at Sixto. S’yempre, kami din ni Dong kahit papa’no nagmo-moment-moment kami, nagmu-muni kami sa mga stars and moon. Mga ganu’n. Hahaha!” natatawang sabi n’ya.

Sa puntong ito na natanong si Marian na baka nasundan na pala nila ang bunso nilang si Sixto sa pagmumuni nilang iyon na ikinahagalpak naman ng hot momma.

’Wag mag-aalala. Kapag nasundan sasabihin ko naman sa inyo. Pero hindi pa,” nakangiting pahayag ni YanYan.

Aniya, wala naman daw silang kasunduan ni Dong kung susundan pa si Sixto o awat na. 

Wala kaming ganu’n. Walang anything na ganu’n. Kung anong ibigay ng Panginoon sa amin tatanggapin namin ’yan,” sey pa n’ya. 

Pero kung s’ya daw ang tatanungin, ay talagang gusto pa raw sana niya ng kahit isa pa.

“Why not? Hindi lang natin alam kung kailan. Pero talagang hoping pa ako for one last [baby]. ’Yong dalawa [sina Zia at Sixto] is okey sa ’kin. Kung papalain at bibigyan uli ng pagkakataon [na magbuntis], why not? Hindi ba?

Samantala, kahit naman daw busy s’ya sa buhay bilang misis ni Dong at mommy nina Zia at Sixto, idagdag pa ang mga businesses n’ya on the side, hindi naman daw n’ya iiwan ang showbiz. 

Hindi naman mawawala sa dugo ko ’yan. Ako ay may dalawang anak so talagang nasa bahay ako para alagaan sila. Ke may pandemya o wala, ako ay nandito para sa mga anak ko,” lahad pa n’ya ukol sa kanyang mga priorities.

Pero sabi ko nga, nasa daloy na ng dugo ko ang trabahong ito [showbiz] at mahal ko ito at hindi ito mawawala. Ke tumanda na ako, as long as nand’yan ang GMA for me, wala…and’yan pa rin ako,” dagdag pa ng aktres.  

Hintay lang tayo nang tamang panahon na mas maging maayos ang lahat, mas safe. So, babalik at babalik naman [ako sa paggawa ng movies at TV series].”

At present ay napapanood ang primetime queen bilang host sa drama anthology na Tadhana tuwing Sabado ng hapon. Ipinagpapasalamat niya na pumayag ang GMA-7 na mag-work from home siya para sa pagho-host niya ng show. At aniya, kapana-panabik ang mga istoryang ihahain nila for the month-long anniversary special ng show.

For its opening salvo this November 13 and November 20, witness the complicated story of two parents and a daughter caught between them in “Sa Ngalan ng Ama.”

The formidable cast includes award-winning actor Gabby Concepcion, Thea Tolentino, Ariella Arida, Bubbles Paraiso, and esteemed actress Ms. Eula Valdes.

In the story, Gabby plays Christian, the biological father of Tracy portrayed by Thea. Choosing to be true to herself after coming out as a lesbian, Diane played by Ariella leaves Christian and raises Tracy without him. After many years, Christian tries to reclaim the daughter he never met. But this is not without a fight from Coco, portrayed in the episode by Eula. Coco is the lesbian guardian of Tracy who assumed responsibility of taking care of Tracy when Dianne died during childbirth.

Viewers should also catch the second episode of Tadhana’s 4th Anniversary Special, “Kabayaran” which is set to air on November 27 and December 4.

Join Marian Rivera in celebrating the stories of your triumphs in life. Watch “Sa Ngalan ng Ama” this November 13 and 20 and “Kabayaran” on November 27 and December 4 as part of the month-long anniversary of Tadhana, Saturdays at 3:15 p.m. after Wish Ko Lang! on GMA Network.

At dahil fourth anniversary, may bonggang paandar ang Tadhana—the show is also giving away a house and lot to a lucky overseas Filipino worker (OFW) or his/her family member! 

For more details, visit Tadhana’s official Facebook page, www.facebook.com/TadhanaGMA.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Marian Rivera admits she wants one more baby: “Talagang hoping pa ako for one last [baby].”
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment