Nag-evoke ng kilig at nostalgia sa mga fans ng Claudine Barretto-Rico Yan loveteam ang pagbabahagi ni Claudine ng old love letter sa kanya ng kanyang late ex-boyfriend na si Rico.
Ipinost ng Optimum Star sa kanyang Instagram account ngayong araw, November 16, ang photo ng sulat na ipinadala sa kanya ng namayapang aktor, dated September 1998.
Sey ni Claudine sa kanyang caption, “Double infinity. RYCB & CLAUDINIANS THIS IS FOR ALL OF U.”
Narito ang laman ng sulat ni Rico para sa aktres:
“Hunny, just wanted you to know that you are the best thing that has happened in my life. You are my life!
“While I watch you sleep, I can’t believe [you’re] mine.
“Thank you for being my rock! And Hunny, ‘you rock.’
“I love you very much.”
Kinakiligan naman ito ng mga fans at celebrity friend ng aktres gaya nina Juliana Parizcova, Dianne Medina, and Neri Miranda. Na-miss naman daw si Gladys Reyes si Rico.
Naging love team partner sina Claudine at Rico noong 1990s at bumida sa iba’t ibang hit movies gaya ng Dahil Mahal na Mahal Kita (1998), Flames: The Movie (1999), at Got 2 Believe (2002).
Noong March 2002, pumanaw si Rico, reportedly due to acute pancreatitis sa edad na 27.
In 2019, umani ng iba’t ibang reaksyon ang pagbisita ni Claudine sa puntod ng dating nobyo kasunod ng pagkamatay ng tatay n’yang si Miguel Barretto.
Noong 2020 naman, inalala din ni Claudine si Rico sa kanya sanang ika-45th birthday.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Claudine Barretto, isinapubliko ang old love letter sa kanya ni Rico Yan
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment