Samantha Panlilio, nasa Thailand na para sumabak sa Miss Grand International pageant


Nasa Thailand na si Samantha Panlilio kung saan susubukan n'yang sungkitin ang unang Miss Grand International crown ng bansa.

PHOTOS: @samanthapanlilio_ & @missgrandinternational on Instagram

Nasa Thailand na si Samantha Panlilio kung saan susubukan n’yang sungkitin ang unang Miss Grand International crown ng bansa.

Pasabog sa kanyang arrival outfit ang pambato ng Pilipinas sa Miss Grand International (MGI) 2021 pageant na si Samantha Panlilio.

Proud na ibinida ng Pinay beauty queen ang kanyang emerald jumpsuit, created by Mara Chua, pag dating n’ya sa airport sa Phuket, Thailand kung saan gaganapin ang patimpalak.

Base sa kanyang Instagram post, kagabi, November 15, nang tumulak si Sam papunta sa Land of Smiles para i-represent ang bansa sa nasabing international beauty pageant.

Naka-gold corporate attire pa ang Cavitena entrepreneur-turned-beauty queen suot ang Philippines sash at bitbit ang bandila ng bansa nang dumating s’ya sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA. 

Habang naghihintay sa kanyang departure time, nagpasalamat si Sam sa pamunuan ng Binibining Pilipinas at MGI, at sa Kagandahang Flores pageant training camp para sa kanilang suporta.

“I just want to say thank you to Binibining Pilipinas Charities Incorporated, and of course, to Ms. Stella Araneta and to Sir George Araneta for this wonderful opportunity,” pahayag ng Pinay beauty queen sa video. 

“And thank you to my KFamilia family for always supporting me to whatever endeavor I go through. 

“And last but not the least, to Miss Grand International Organization for giving me the opportunity of a lifetime. So I can’t wait to see you all, Thailand, and I’ll see you soon,” pagtatapos n’ya. 

Last November 12 nang magkaroon ng send-off party si Sam sa Quezon City na dinaluhan ng kanyang mga ka-batch na Binibining Pilipinas queens such as Bb. Pilipinas-International 2021 Hannah Arnold, ang kakapanalo pa lang na Miss Intercontinental 2021 Cindy Obenita, and more. 

S’ya na ang ikatlong “Samantha” na ipinadala ng Pilipinas sa magkakasunod na edition ng MGI after Samantha Ashley Lo sa Caracas, Venezuela noong October 2019 at Samantha Mae Bernardo sa Bangkok, Thailand nitong nakalipas na March 2021. 

Sakaling palarin, si Samantha Panlilio ang magiging kauna-unahang Filipina na makapag-uuwi ng golden MGI crown sa bansa.

More power to you, Sam!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Samantha Panlilio, nasa Thailand na para sumabak sa Miss Grand International pageant
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment