Pag-a-unfollow nina Vice Ganda at Billy Crawford sa isa’t isa sa Instagram, matagal na


Ayon sa comedian-vlogger na si Ogie Diaz, na kilalang malapit kay Vice dahil dati siyang manager nito, matagal na diumanong pinutol ng dalawang TV host ang kanilang ugnayan sa Instagram, which of course, extends to real life.

PHOTOS: @praybeytbenjamin & @billycrawford on Instagram

Ayon sa comedian-vlogger na si Ogie Diaz, na kilalang malapit kay Vice dahil dati siyang manager nito, matagal na diumanong pinutol ng dalawang TV host ang kanilang ugnayan sa Instagram, which of course, extends to real life.

Naging laman ng balita at naging usap-usapan sa social media nitong mga nakaraang araw ang pag-a-unfollow nina Vice Ganda at Billy Crawford sa Instagram account ng isa’t isa.

Kilalang malapit na magkaibigan ang dalawa na dating magkasama sa noontime show na It’s Showtime kaya hindi maiwasang maghinala ang netizens na they are not on good terms anymore.

Pero ayon sa comedian-vlogger na si Ogie Diaz, na kilalang malapit kay Vice dahil dati siyang manager nito, matagal na diumanong pinutol ng dalawang TV hosts ang kanilang ugnayan sa Instagram, which of course, extends to real life.

Sinabi n’ya ito sa kanyang vlog entry na in-upload sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update today, November 17. 

Matagal na yata ’tong nangyari ngayon lang lumabas na nag-unfollow-han si Vice Ganda at si Billy Crawford,” panimulang pahayag ni Ogie sa video. 

Pero tila ngayon lang daw ito naamoy ng netizens.

S’yempre ang mga Marites at mga Mosang very resourceful lalo na kapag wala ka talagang ginagawa sa bahay at tsismosa kang tunay, e, talagang aalamin mo,” natatawang dagdag niya.

Ayan na nga. Natuklasan nila na nag-unfollow na sa isa’t isa sina Vice Ganda at si Billy. Pero alam ko matagal na ’yang nangyari.

Hinala ng ka-tandem n’ya sa vlog na si Mama Loi, baka nag-ugat ito sa mga pahaging ng dalawa sa isa’t isa sa kani-kanilang mga shows at naka-apekto ito sa kanilang friendship. 

Sa ngayon kasi ay nasa magkatapat na programa ang dalawa. Si Billy ay nasa Lunch Out Loud (LOL) na sa TV5, habang nananatiling main host si Vice sa It’s Showtime, kung saan nanggaling si Billy bago ito nag-desisyong lumipat sa Singko.

Pero ani Ogie, kahit nasa Showtime pa noon si Billy ay may tampuhan na sila ni Vice.

Nandu’n pa naman si Billy, e, meron ng hindi pagkakaunawaan ’yan. Normal sa isang pamilya na nag-aaway tapos nagbabati,” sagot naman ni Ogie. 

S’yempre, siguro ito ay may kinalaman sa kanilang show na LOL at It’s Showtime, mga parinigan nila, ’di ba? Si Vice hindi rin naman patatalbog.

Inihalimbawa pa ni Ogie ang pagpapahaging ni Vice sa dating direktor ng show nila na si Direk Bobet Vidanes noong araw na iwinelcome nila sa programa bilang host si Ogie Alcasid

Ayon kasi kay Vice sa November 8 episode ng It’s Showtime, gumawa daw noon ng group chat ang dati nilang direktor at hindi nito isinali doon ang isa sa mga hosts nilang si Karylle

May mga parinig din ’yan katulad kay Direk Bobet. ’Yong, ‘’Wag ka mag-aala, Ogie Alcasid. Alam ng direktor dito na nandito ka na, na host ka na.’ Mga ganyan,” aniya. 

Pero ang unfollow-han na ’to matagal na,” pagtatapos ni Ogie.

Matatandaan na last September 2020 nang mag-guest pa si Billy at ang misis n’yang si Coleen Garcia sa online show ni Vice kung saan sinabi nilang susuportahan at mananatiling ka-pamilya nila ang isa’t isa kahit na magkahiwalay na sila ng “bahay.”

Galingan mo sa trabaho at… Alam mo sa pamilya, meron ka talagang kapatid na lilipat ng bahay. Pero porke’t lumipat s’ya ng bahay hindi mo na s’ya kapatid, hindi mo na s’ya kapamilya, hindi mo na s’ya mahal. Maaaring lumipat s’ya ng bahay pero family pa rin tayo,” sabi ni Vice kay Billy at that time.

Sey naman ni Billy sa dating kasamahan: “I love you, Vice. Tatandaan mo ‘yan. Wala akong pakialam kung anong sabihin ng kahit na sino. Basta kayo, alam n’yo kung sino kayo na ipaglalaban ko kayo ng patayan, Vice. Trust me.”

Nang sumunod na buwan, October 2020, nagbiro si Vice tungkol kay Billy at sa paglipat nito sa katapat na programa. 

Naganap ito sa segment ng show kung saan kailangang pumili ang mga hosts ng lucky winners sa Twitter na gumamit ng kanilang hashtag for that day na #SolidShowtimerAko.

Habang namimili ang kanyang co-hosts ng mananalo, sumingit si Vice at umaktong nakapili na s’ya ng winner by saying, “Ayan, o! @billycrawford.”

Ikinatawa naman ito ng mga kasamahan n’ya sa show.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Pag-a-unfollow nina Vice Ganda at Billy Crawford sa isa’t isa sa Instagram, matagal na
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment