Ipinapatayong dream house ni Ryzza Mae Dizon, may view ng Mount Arayat


Ikinatuwa ng kanyang mga fans at celebrity friends ang bagong achievement na ito ni Ryzza Mae Dizon, partikular na ang mga co-Dabarkads niya sa Eat Bulaga! na sina Allan K, Pauleen Luna, Joey de Leon, and more na nagpadala ng kanilang pagbati ng congratulatory messages sa dalagita.

SCREENSHOT: Ryzza Mae Dizon on YouTube

Ikinatuwa ng kanyang mga fans at celebrity friends ang bagong achievement na ito ni Ryzza Mae Dizon, partikular na ang mga co-Dabarkads niya sa Eat Bulaga! na sina Allan K, Pauleen Luna, Joey de Leon, and more na nagpadala ng kanilang pagbati ng congratulatory messages sa dalagita.

Happy and thankful ngayon si Darbarkad Ryzza Mae Dizon dahil finally, matapos ang ilang taong pagtatrabaho n’ya sa showbiz, ay maipapatayo na n’ya ang kanyang dream house.

Matatandaan na unang nakilala si Ryzza nang sumali s’ya at manalo sa “Little Miss Philippines” ng Eat Bulaga! at the age of six. Mula noon ay naging parte na s’ya ng longest running noon-time show ng bansa. 

Dahil sa kanyang pagiging bibo ay nabigyan pa s’ya ng sarili n’yang TV program, ang The Ryzza Mae Show, na tumagal ng tatlong taon, mula 2013 to 2015.

Bumida rin s’ya sa comedy drama series na Princess in the Palance na ipinalabas mula 2015 hanggang 2016 bago ang timeslot ng Eat Bulaga!

At makalipas ang sampung taon, ngayong 16 years old na ang noo’y tinaguriang “Aleng Maliit,” ay makakapagpundar na s’ya ng kanyang dream house na bukod pa sa kanyang naipundar na townhouse sa Quezon City.

She took to Instagram on December 2, para ipasilip ang bunga ng kanyang pinagsikapan sa entertainment industry.

“Under construction na po ang aming dream house!!! Super special po saamin to kaya nag vlog ako,” lahad ni Ryzza Mae sa kanyang IG post kalakip ang series of photos n’ya na kinunan sa construction site. 

“Thank you po Lord sa blessing na ito,” dagdag pa ng dating child star. 

Dating nangungupahan sa isang apartment sa Caloocan City ang pamilya ni Ryzza noong panahong nanalo s’ya bilang Little Miss Philippines.

Nakabili lamang sila ng three-storey townhouse sa Quezon City makalipas ang ilang taon ng pagtatrabaho n’ya sa showbiz. 

At ngayon naman ay bahay na, from ground up, ang kanyang ipinatatayo. Ito ang ipinasilip n’ya sa kanyang YouTube vlog last December 2 noong bumisita sila sa site noong November 30.

Sa nasabing video ay ipinasilip ni Ryzza ang ongoing construction ng kanyang bahay na located somewhere in Pampanga, kung saan siya lumaki, dahil tanaw mula roon ang Mt. Arayat.

Makikita rin sa vlog na nakaporma na ang ground floor ng bahay habang inaasikaso na ng mga workers ang gagawin nilang pagbubuhos ng semento para naman sa second floor.

Tiniyak naman ng dalagitang TV host sa kanyang subscribers na magbibigay s’ya ng update sa ipinapagawa n’yang bahay sa mga susunod n’yang vlog. 

Samantala, ikinatuwa naman ng kanyang mga fans at celebrity friends ang bagong achievement na ito ni Ryzza gaya ng kanyang Eat Bulaga! co-hosts na sina Allan K, Pauleen Luna, Joey de Leon, and more na nagpadala ng kanilang pagbati ng congratulation sa dalagita.

SCREENSHOT: @ryzzamaedizon_ on Instagram
SCREENSHOT: @ryzzamaedizon_ on Instagram

Congratulations, Ryzza Mae!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Ipinapatayong dream house ni Ryzza Mae Dizon, may view ng Mount Arayat
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment