Ken Chan, aminadong na-in love kay Rita Daniela ng 70 percent


Hindi raw talaga handa si Ken Chan sa any romantic commitments at this point in his life. “Kilala ko ang sarili ko. Pag pumasok ako sa isang relationship, 100 percent todo-bigay. So, sabi ko, ’Wag muna.’”

PHOTO: @akosikenchan on Instagram

Hindi raw talaga handa si Ken Chan sa any romantic commitments at this point in his life. “Kilala ko ang sarili ko. Pag pumasok ako sa isang relationship, 100 percent todo-bigay. So, sabi ko, ’Wag muna.’”

Umamin ang aktor na si Ken Chan na talagang na-in love daw s’ya sa kanyang love team partner na si Rita Daniela pero hindi pa daw s’ya handang mag-commit sa isang relasyon. 

Naganap ang rebelasyong ito ng Kapuso star sa morning show na Mars Pa More kahapon, December 9, kung saan sila ni Rayver Cruz ang naging celebrity guests.

Na-hot seat kasi si Ken sa segment na “Tarantanong” kung saan si Rita mismo, through a recorded video, ang nagbitaw ng matinding tanong. At ito ay kung na-fall ba ang aktor sa kanya. 

Na-in love ka ba sa ’kin nu’ng kinunan natin ’yong first ever love scene natin nang bonggang bongga?” pasabog na tanong ni Rita kay Ken kaya nakantiyawan s’ya ng mga hosts na sina Iya Villania, Kuya Kim Atienza, at Camille Prats

Kahit 30 percent lang… O, sige, bawasan natin ng ten percent,” patuloy ng kikay na si Rita sa video. “Na-in love ka ba sa akin just for that moment where you felt na parang ‘Nothing’s gonna stop me…kami lang ’yong nandu’n sa mundo na ’yon?’” 

Game na sagot naman ni Ken, “Yes.”

Pag-uusisa naman ni Iya sa talented Kapuso actor: “Wait. Gusto kong klaruhin. Yes…pero ilang percent?”

“Yes…mga 70 percent,” nakangiting pag-amin ni Ken  sa show. 

Malapit na,” sey naman ni Kuya Kim sa kanya. 

Sundot pa ni Iya, “Medyo… Kung tumagal ang eksena natataglag ka na talaga.

Paliwanag naman ni Ken, hindi pa daw umaabot ng 100 percent ang love n’ya kay Rita dahil at this point in his life ay hindi pa daw s’ya ready na muling pumasok sa pakikipagrelasyon.

“Seventy percent, hindi 100 percent kasi hindi pa talaga ako ready pumasok sa isang relationship. Kagagaling ko lang sa isang mahabang relationship na umabot ng three years,” pagbabahagi n’ya. 

“And na-enjoy ko ’yong single life,” dugtong pa ng aktor. “Na-enjoy ko ’yong trabaho, na-enjoy ko ’yong circle of friends, ’yong time ko sa trabaho ko, and ini-enjoy ko ’yong moment until now. ’Yon ’yong nararamdaman ko. Hindi pa talaga ako ready pumasok sa isang [relasyon].

Kilala ko ang sarili ko. Pag pumasok ako sa isang relationship, 100 percent todo-bigay. So, sabi ko, ’wag muna,” pagtatapos ni Ken. 

Samantala, matapos ang successful team up nila ni Rita sa Kapuso series na My Special Tatay (2018), One of the Baes (2019), and Ang Dalawang Ikaw (2021), nagbabalik ang tambalang RitKen sa upcoming movie na Huling Ulan sa Tag-Araw na official entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. 

Mapapanood ang Huling Ulan sa Tag-Araw simula sa araw ng Pasko, December 25, in cinemas.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Ken Chan, aminadong na-in love kay Rita Daniela ng 70 percent
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment