Leandro Baldemor, inaming minsang minahal nang palihim si Priscilla Almeda


Magbabalik-tambalan sina Leandro Baldemor at Priscilla Almeda sa upcoming Kapuso adventure series na Lolong na pagbibidahan nina Ruru Madrid, Shaira Diaz, and Arra San Agustin na mapapanood on GMA Network soon. Ilang sa mga sexy-drama movies na pinagsamahan nila noong 90s ay ang Sariwa (1996) at Tukso Layuan Mo Ako 2 (1996).

PHOTOS: @leandro.z.baldemor & Abby Viduya on Facebook

Magbabalik-tambalan sina Leandro Baldemor at Priscilla Almeda sa upcoming Kapuso adventure series na Lolong na pagbibidahan nina Ruru Madrid, Shaira Diaz, and Arra San Agustin na mapapanood on GMA Network soon. Ilang sa mga sexy-drama movies na pinagsamahan nila noong 90s ay ang Sariwa (1996) at Tukso Layuan Mo Ako 2 (1996).

Na-hot seat nang slight ang seasoned actor na si Leandro Baldemor nang matanong s’ya tungkol sa pagpapa-sexy niya noon sa pelikula at sa naging tambalan nila ni Priscilla Almeda, na unang nakilala as Abby Viduya.

Nangyari ito sa “Lightning Laglagan” segment ng Mars Pa More—hosted by Camille Prats, Iya Villania, and Kuya Kim Atienza—na ipinalabas kahapon, November 30, kung saan sila ni Priscilla ang celebrity guests. 

Sa nasabing segment, kailangan nilang sagutin nang short and sweet ang sets of questions mula sa mga hosts. 

Isa nga sa naitanong kay Leandro ay kung ano ba ang biggest mistake na nagawa n’ya as a sexy actor noon.

Wala,” mabilis na sagot ng aktor. 

Sinagot n’ya rin ang tanong na: “Nagkaroon ka ba ng leading lady na nakarelasyon mo at hindi nalaman ng press?”

Wala,” muling tanggi ni Leandro. 

Pero napaamin s’ya sa question tungkol sa dati n’yang ka-tambal na si Priscilla. 

Minahal mo ba in a romantic way si Priscilla, especially nu’ng s’ya pa si Abby Viduya?” tanong sa kanya ni Iya.

“Yes,” sagot n’ya na ikinakilig ng tatlong hosts ng show. 

Marami namang meaning, e, ’yong ‘yes,’” palusot pa ng aktor.

At kung mao-offer-an ulit ng sexy role sa pelikula, tatanggapin kaya n’ya?

Hindi na,” aniya. 

Maliban daw kasi sa nagka-edad na siya ay hindi na din daw ganu’n kaganda ang katawan n’ya kung ikukumpara nu’ng kabataan n’ya. 

Siguro hindi na ganu’n ang ganda ng katawan ko na dati talagang 28 [inches] ang waistline ko. Ngayon 34 [inches] na. Medyo malaki na. Saka may edad na,” lahad n’ya sa show nang mahiritan s’ya ng paliwanag ni Iya. 

Pero pasado pa naman daw kay Priscilla ang present body shape ng aktor kung sakaling game pa rin ito na magpa-sexy.

P’wedeng p’wede, ’di ba?” komento ng nagbabalik-showbiz na aktres. 

At nang matanong s’ya kung ano ba sa tingin n’ya ang pinaka-sexy na bahagi ng katawan ni Leandro noon at ngayon.

“His eyes,” maikling sagot ni Priscilla.

Nagkasama noong ’90s sina Leandro at Priscilla sa ilang sexy-drama movies gaya ng Sariwa (1996) at Tukso Layuan Mo Ako 2 (1996).

Ngayon, balik-tambalan ang dalawa sa upcoming Kapuso adventure series na Lolong na pagbibidahan nina Ruru Madrid, Shaira Diaz, and Arra San Agustin na mapapanood on GMA Network soon.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Leandro Baldemor, inaming minsang minahal nang palihim si Priscilla Almeda
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment