Bianca Umali, alay sa kanyang Lola ang tagumpay sa showbiz; “I owe my life to her.”


Sa kanyang muling pagpirma ng kontrata sa GMA-7, inalala ni Bianca Umali ang kanyang naging journey mula sa pagko-commercial model at age two, hanggang sa maging artista ng GMA at age nine. Through it all, ang kanyang Lola Vicky daw ang kanyang kasama. “Yes, she has been with me, hindi lang sa good and bad, pero since I had nothing pa lang. S’ya talaga ’yong nagpursige rin. And if it wasn’t for her support noon, I don’t think that I will be here right now.”

PHOTOS: @bianxa on Instagram

Sa kanyang muling pagpirma ng kontrata sa GMA-7, inalala ni Bianca Umali ang kanyang naging journey mula sa pagko-commercial model at age two, hanggang sa maging artista ng GMA at age nine. Through it all, ang kanyang Lola Vicky daw ang kanyang kasama. “Yes, she has been with me, hindi lang sa good and bad, pero since I had nothing pa lang. S’ya talaga ’yong nagpursige rin. And if it wasn’t for her support noon, I don’t think that I will be here right now.”

Kinalakihan na ni Bianca Umali ang pag-aartista kaya’t tila hindi na siya naka-isip pa ng ibang pangarap na career sa buhay dahil nagdire-diretso naman ang pag-unlad ng kanyang showbiz career.

Sinabi n’ya ito sa kanyang solo digital press conference matapos ang muli n’yang pagpirma ng kontrata sa GMA Artist Center, ang talent arm ng GMA Network, last November 29. 

Natanong kasi ng entertainment press ang dalagang aktres kung ano ba ang mga masasabi n’yang worth it na sakripisyo niya sa pagpasok niya sa showbiz sa murang edad. As early as two years old kasi ay sumasabak na sa mga commercials si Bianca. 

“Remembering my journey, my story how I really started, bago ho ako mag-sign up with GMA nu’ng nine years old [ako]… I have been doing commercials since I was two. ’Yon nga po, itong pag-aartista ay hindi ko ho talaga pinangarap gawin because it was something that I grew up doing,” sagot ng Kapuso leading lady sa press via Zoom. 

Wala naman daw s’yang mabibigat na sacrifices na ginawa nang pumasok sa showbiz. Bahagi na daw kasi ito ng kanyang childhood

“And remembering if I had sacrifices? Hindi ko ho masasabi na it was [a sacrifice],” paliwanag n’ya. 

“There are things that I had to let go. But because I have been doing this, I grew up doing it, siguro ’yong sacrifices were unintentional sacrifices,” dagdag pa ng Legal Wives actress. 

Parang, bilang ito ’yong kinalakihan kong ginagawa ko and mahal ko ’yong ginagawa ko, alam ko ’yong mga hindi ko kailangan sa buhay ko. Alam ko kung ano ’yong mga kailangan ko. 

Siguro, alam ko kung anong meron ako at kung ano ’yong mga dapat wala ako but no conscious sacrifice at all. And I think, nothing big naman.

At kung may paglalaanan man daw s’ya ng tinatamasa n’yang tagumpay sa pag-aartista, ito ay walang iba kundi ang kanyang lola na si Mama Vicky.

Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya dahil bata pa lang s’ya nang pumanaw ang kanyang mga magulang. 

Tsika pa ng aktres, masaya daw ito sa narating n’ya sa showbiz, mula sa pagiging commercial model and child star noon to being one of the bankable leading ladies ng GMA Network ngayon. 

“She still cries, sometimes. Nae-excite ako… Iba rin ho kasi ’yong level ng relationship namin ngayon. I update her on everything,” lahad pa n’ya tungkol sa closeness nilang mag-lola.

Tumatawag ’yan sa akin para magpa-tsika, magpa-update sa kung ano na ’yong nangyayari sa akin. Tatawag ’yan sa akin para magtanong, ‘Totoo ba ’yong ganito? Totoo ba ’yong ganyan?’ Nakakatuwa.”

Dagdag pa ni Bianca, “Yes, she has been with me, hindi lang sa good and bad, pero since I had nothing pa lang. S’ya talaga ’yong nagpursige rin. And if it wasn’t for her support noon, I don’t think that I will be here right now.”

Kaya naman ibinabalik daw n’ya dito ang pagmamahal at suporta na ibinibigay nito sa kanya mula pa noon. 

“She’s very happy. ’Yon naman talaga ang number one goal ko in life, to pay her back through making her proud, through showing her na tama ang pagpapalaki n’ya sa akin, and showing her na worth it ’yong pagod n’ya na alagaan ako, mahalin ako,” aniya. 

“And this time, it’s my turn. Ako ’yong maggi-give back, ako ’yong mag-aalaga sa kanya. And everything I do, I owe to her. I actually owe my life to her,” pagtatapos ni Bianca.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Bianca Umali, alay sa kanyang Lola ang tagumpay sa showbiz; “I owe my life to her.”
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment