Vilma Santos sa relasyon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache: “I wish them all the best.”


Bukod sa reaction sa Edu Manzano-Cherry Pie Picache romance, nahingan din ni Luis Manzano ang paliwanag ang kanyang mom na si Vilma Santos kung paano niya ilalarawan ang pagmamahal nito noon sa kanyang Daddy Edu at sa asawa niya ngayong si Senator Ralph Recto. Though nagmahalan naman daw si ni Edu, hindi raw nag-work ang kanilang relasyon dahil hindi siya naging ganap na Mrs. Manzano dito. “And with your Tito Ralph…Tito Ralph gave me the second chance in life to be happy and to look forward into something positive again.”

PHOTOS: Luis Manzano on YouTube; INSET: @yescppicache on Instagram

Bukod sa reaction sa Edu Manzano-Cherry Pie Picache romance, nahingan din ni Luis Manzano ang paliwanag ang kanyang mom na si Vilma Santos kung paano niya ilalarawan ang pagmamahal nito noon sa kanyang Daddy Edu at sa asawa niya ngayong si Senator Ralph Recto. Though nagmahalan naman daw si ni Edu, hindi raw nag-work ang kanilang relasyon dahil hindi siya naging ganap na Mrs. Manzano dito. “And with your Tito Ralph…Tito Ralph gave me the second chance in life to be happy and to look forward into something positive again.”

Nagbigay ng reaksyon si Star For All Seasons Vilma Santos-Recto ngayong umamin na sa publiko ang kanyang former husband na si Edu Manzano at ang aktres na si Cherry Pie Picache tungkol sa kanilang romantic relationship. 

Ang mismong anak nila ni Edu na si Luis Manzano ang nang-on the spot sa kanya tungkol dito sa vlog nitong “Luis Listens to Momski’s Revelations” na in-upload last December 20 on his YouTube Channel.

Natatawang sabi ni Ate Vi, madami daw tumatawag sa kanya para ma-interview s’ya tungkol nga kina Edu at Cherry Pie pero hindi daw s’ya nagpapaunlak. Sa vlog lang daw pala ni Luis magaganap ang pagbibigay-reaksyon niya tungkol doon. 

Grabe ka!” natatawang bungad niya kay Luis. “Alam mo, ang dami-daming tumatawag sa akin, nag-i-interview. Hindi ko sinasagot, anak.

“I don’t want… Ayokong makialam sa isyu na ’yan, anak,” tanggi niya.

Basta ang masasabi lang daw niya ay masaya s’ya para sa daddy ni Luis at kay Cherry Pie na malapit naman daw n’yang kaibigan. 

“What’s important I guess, kung p’wede ko lang i-share… I’m happy. I’m happy. You know naman si Eduardo, your dad…and Pie is a very close friend of mine,” lahad n’ya. 

“At this point ng buhay ko natin, ang pinaka-importante lang is nandidiyan ang respeto at pagmamahal. So I wish them all the best.”

Natanong pa s’ya ni Luis kung paano daw ba n’ya ilalarawan ang pagmamahal n’ya noon sa daddy nitong si Edu at sa mister nito ngayong si Sen. Ralph Recto. 

Naku, mabigat ’yang tanong na ’yan, anak, ha,” agad na komento n’ya sa anak.

Dapat ’yan sa vlog ko na ’yan sinasagot, e. Ang daya mo, e,” natatawa pa ring hirit niya.

At nang seryosong paliwanagan na, sinabi n’yang hindi n’ya p’wedeng ikumpara dahil nga magkaiba sina Edu at Sen. Ralph. Pero pareho daw n’yang minahal ang mga ito.

Mahirap ’yan. I cannot compare,” aniya. “Hindi ’yan p’wedeng pareho...because the time when I was with your dad, kaya ko naman s’ya pinakasalan, ibig sabihin mahal ko s’ya. Willing akong ibigay ang buhay ko sa kanya.

“It’s just unfortunate na nagkaroon ako ng problema financially na hindi naman matutugunan lahat ng daddy mo ’yon that time. Kailangan ko trabahuhin talaga. Hindi ko natupad maging Mrs. Manzano,” matapat na pagbabalik-tanaw pa ng actress-turned-public servant, 

“And with your Tito Ralph…Tito Ralph gave me the second chance in life to be happy and to look forward into something positive again if I will talk about relationship,” patuloy niya.

“Same love, different chapter,” singit na komento naman ni Luis sa paliwanag ng kanyang Momski Vilma. 

“Yes, I was given a chance to love again nang another chapter. And then, the good thing is, it is a very successful love, relationship. Kasi, ’di ba, we just celebrated our 29th wedding anniversary,” sagot ng aktres sa kanyang anak.

Dito sa second chapter ko, napakita ko rin naman na it’s worth na mabigyan kayo ng second chance talaga. And then maipakita n’yo na basta nandyan ang respeto at pagmamahal, kaya n’yong tumagal,” pagtatapos ni Vilma.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Vilma Santos sa relasyon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache: “I wish them all the best.”
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment