AJ Raval, napikon sa “virginity” question sa press conference ng Taya

Pag-a-address ni AJ Raval sa “virginity” question: “...’yong question po na yan, ’yong tanong po na yan nakaka-offend po yan sa mga babae kahit virgin or hindi.”

Photos: Vivamax

Pag-a-address ni AJ Raval sa “virginity” question: “…’yong question po na yan, ’yong tanong po na yan nakaka-offend po yan sa mga babae kahit virgin or hindi.”

Papatapos na ang second virtual press conference ng Taya noong August 20 nang may humabol na tanong na ipinadala na lang sa host ng event para basahin.

Ang tanong, na para sa mga kababaihang cast members na sina Jela Cuenca, Angeli Khang, at AJ Raval, ay ganito: “Hindi ba kayo natakot na sa pag-accept n’yo ng sexy roles ay ma-question ang virginity n’yo?”

Kapwa kasi sumalang sa mga sexy scenes ang tatlong aktres sa Taya base sa ipinakitang trailer nito. At sa case ni AJ Raval, pang-apat na sexy-drama movie na niya itong Taya.

Everyone handled their composures well kahit halatang lahat ay nailang sa tanong.

Si Angeli ang unang sumagot at aniya, maiintindihan naman daw siguro ng tao ang role ay character lang na kanilang ginagampanan onscreen.

“No po. For me, naiintindihan naman ng mga tao, ng masa na artista hindi lang dahil sa isang role kundi sa every kind of role… dapat kung anuman ang ibigay sa kanya na kaya niya which is nakaya ko naman po,” sagot ng newbie actress na si Angeli. 

Segunda naman ng baguhan ding si Jela na introducing palang sa Taya, sana raw ay panoorin muna ang pelikula bago husgahan kung pa-sexy lang ang lahat ng makikita doon. Para sa kanya, may well-written story na ipagmamalaki ang pelikula.

“Sa akin po, hindi naman ako natakot kasi ’yong ginawa po namin is art po,” say ni Jela. “Hindi naman siya ’yong soft porn na iniisip ng mga tao. ’Yong ginawa po namin is sobrang gandang pelikula so wag po silang mag-base doon sa kung ano ’yong nakikita nila kung sexy-sexy, bed scene… dapat po nilang panoorin, intindihin para malaman po nila kung ano talaga ’yong Taya. Ayon po.”

Si AJ Raval, na tumatayong pinaka-senior sa tatlo bilang naka-ilang pelikula na siya, ay hindi nagpa-tumpik-tumpik sa pag-call sa tanong. Hindi niya direktang pinuruhan ang nagpadala ng tanong pero sinabi niyang offensive ito. Slight na nag-lecture pa siya ukol dito.

“Hindi din naman po ako natakot…” panimula niya na agad din niyang pinutol.

“Pero ’yong question po na yan, ’yong tanong po na yan nakaka-offend po yan sa mga babae kahit virgin or hindi. Nakaka offend ang tanong na yan so sa mga babae po na ganito na katulad ko na nawala po ’yong virginity.

“Tingin ko, hindi naman masamang bagay ’yon kasi lahat naman po ng tao nagkakamali. Kailangan n’yo lang pong matuto para hindi po paulit-ulit ’yong nangyayari sa inyo.”

Hindi napigilan ni Direk Roman Perez, Jr., na mapa-palakpak sa sagot ng kanyang bida. 

Tama umano si AJ sa ginawang pag-call out. He also gave his two-cent’s worth regarding the topic.

“Ang galing ni AJ Raval!” papuri ni Direk Roman sa naging sagot ni AJ. 

“Sa tanong na ’yon,” he went on. “Nakaka offend talaga ’yon. Hindi natin p’wedeng i-label ’yong tao sa virginity niya at hindi natin p’wedeng i-label ’yong artista sa kanyang virginity, ’no? Medyo offensive ’yon talaga. Tama si AJ Raval kasi mapavirgin man o hindi, okey lang naman. [Year] 2021 na nga. Sabi ko nga sa inyo, liberal na tayo sa mga ganitong aspeto at maiintindihan na yan ng mga tao.” 

“Ang galing ni AJ!” pag-uulit pa niya.

Ang Taya, which also stars Sean De Guzman, ay magsisimula nang ma-stream this Friday, August 27, sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, at Vivamax.

Watch Taya and more blockbuster movies and shows when you subscribe to VIVAMAX. Subscribe using VIVAMAX app via Google Play Store and App Store. For only P29, you can unli-watch for three days, P149/month, and P399 for 3 months for bigger savings! You can pay through GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya or PayPal account that’s linked on your Google or Apple account. 

You can also subscribe at web.vivamax.net, select a plan and you can pay through EC Pay outlets: 7 Eleven, and All Day, or through PayMongo, GrabPay, and GCash or through PayMaya.

YOU MAY ALSO LIKE:

AJ Raval, gustong isampal sa sugalerong ex-boyfriend ang pelikula niyang Taya “para matutunan niya na wag kang maging sugapa.”

No. 1 qualification ni AJ Raval sa future boyfriend: “Hindi sugarol.”

Fast-rising sexy actress AJ Raval answers pikapika’s Random (Naughty) Questions

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment