Jasmin Curtis, kay Alden Richards lang pumayag makipag-kissing nang paulit-ulit

Hindi naman ang GMA Primetime series na The World Between Us (TWBU) ang unang pagkakataon na nagkasama sa isang proyekto sina Jasmine Curtis-Smith at Alden Richards, marami na rin silang pinagsamahan in the past, sa pelikula o telebisyon man.

Pero, mukhang ngayon lang talaga sila mas nagkakakilala at nagiging mas malapit sa isa’t-isa.

Kaya sa second batch ng online mediacon para sa season ender ng The World Between Us, kinumusta namin si Jasmine kung ano ang mga nadiskubre niya kay Alden ngayon na hindi niya nakita dati.

“Number niya!,” ang birong sagot naman ni Jasmine.

May exchange of text na sila ngayon, dati wala?

“Grabe ’yung exchange of text!” natatawa pa ring sabi niya.

“Kapag nag-cha-chat-an lang. ’Yung parang, ‘Uy, nagawa na ba ’tong eksenang ’to? Ano na?’ ’Yung parang reminder lang sa isa’t-isa.

“Kami sa cast, gano’n na kami, e. Parang we check on each other already. Kapag may napansin kaming medyo down for the day, lahat kami, we find ways para makausap do’n sa cast member na ’yun. Parang tulungan lang to get to know each other rin.”

Silang dalawa naman ni Alden, nakakapag-kuwentuhan na rin ba sila nang mas personal.

“With Alden, marami… we get to share family stories about each other,” tsika niya. “Kasi, hindi naman namin alam ’yung background ng isa’t-isa and walang enough time, before, last year, noong nagka-trabaho kami.

“So, may mga in between set-ups, ’yung mga gano’ng bagay napagkukuwentuhan na. And it’s great, nakakatulong din siya minsan sa ginagawa naming eksena or parang tatanungin lang namin kung nangyari na ba ’yon sa isa’t-isa para we can share something about each other.

“Gano’n na kami, nagbibiruan na rin and chill na kami, e.”

May mga nagawa na raw si Jasmine na rom-com sa TV5 noon, pero aminado itong ngayon lang talaga nakagawa ng full-length serye na romantic drama talaga at may season break pa nga.

“Meron na ’kong nagawang rom-com sa TV5 before, pero sa tingin ko kasi, hindi ko masyadong…hindi pulido or hindi ko inaaral masyado kung paano ba dapat,” pag-amin niya.

“Basta ginagawa ko na lang, para ’kong robot, ’yung galaw ko sa acting noon, e. Kung ano lang ang sabihin, ‘Okay, ganito ang gawin.’ Pero hindi ko binigyan nang gano’ng kalalim na isip or iniintindi noon.

“Very short lang din, mga Wattpad Presents. And ngayon nga, first time like sa mga light romantic scenes, ’yun ang tina-trabaho ko kay Direk Dom [Dominic Zapata] kasi, hindi nga ako sanay sa gano’n, ’yung kilig? Parang pa’no ’to? Kapag kissing scene, may blocking. 

“I mean, sanay rin kasi ako sa mga deep drama ’yung talagang family stories or what’s going on in the world. Hindi ako sanay sa love story.”

Aminado naman si Jasmine na nag-e-enjoy siya ngayon sa romance genre. Naaliw daw siya kapag nakakabasa siya ng mga comments sa social media na tinitingnan na rin siya sa aspetong may kilig.

In fairness ay nakukuha nila ni Alden ang kilig ng mga manonood bilang sina Louie at Lia.

“Yes, I’m happy kasi parang nabibigyan ng may panibagong…may refreshment na akong inaalay. So at least, nare-refresh sila sa bagong Jasmine through Lia.” 

E sila ni Alden, may kilig din kaya sa isa’t-isa?

“Oo naman!,” mabilis na sagot niya. “Pag dating kay Alden, kaya ako kinilig kasi nakikita ko kung paano si Louie at si Lia na mag-interact. Kinikilig kami pareho on how naïve, gaano sila medyo pakipot at naaalala ko rin ’yung times na gano’n din ako. At tunay nga na lumalabas ’yung kilig.

“At sa galing na lang din ni Alden ng pagparamdam sa akin as Louie, I think that’s where the sincerity or genuine feeling comes from.”

Kay Alden nga lang ba siya pumayag na magkaroon ng kissing scene?

“Siya lang? Siya lang! Ha ha ha!,” sey niya. “Parang sa TV, siya pa lang po ang nakaka-kissing scene ko these many amounts, na ganito kadami.”

Meron din daw last year, with Rocco Nacino naman sa Descendants of the Sun, pero smack at very gentle lang daw.

At prior to that, hindi pa raw talaga siya nakagawa ng ganoong eksena.

“It’s either hindi po kailangan sa istorya or hindi po ako pinapayagan noon ng manager ko. And I give that to her because that’s her professional decision,” sey niya about her former manager.

Hanggang sa Biyernes na lang muna mapapanood ang The World Between Us at magbi-break muna ito ng dalawang buwan. Magbabalik sila sa ikalawang Linggo na ng November 2021. 

“Abangan n’yo po ang darker twists and turns and more love in The World Between Us,” pahabol pa ni Jas.

YOU MAY ALSO LIKE:

Jasmine Curtis-Smith, excited nang maging Tita sa baby ni Anne; sariling baby, “long time from now” pa daw.

Pag-amin ni KC Concepcion sa kapatid na si Samantha, gusto niya ng future husband na “that’s just as cool, and loving, and sweet as Papa [Gabby Concepcion].”

Dahil sa sunod-sunod na pa-blind items sa Instagram, Janus del Prado, may death threat?

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment