John Lloyd Cruz, hindi muna ipipilit na maging guest si Bea Alonzo sa Kapuso sitcom niya


Aminado si John Lloyd Cruz, who is part of the creative team ng Happy ToGetHer sitcom niya sa GMA-7, na ang mag-imbita ng guest ang isa sa pinaka-mahirap na part ng pagbuo nila ng show. Nauunawaan naman daw kasi nila na naka-lock-in din ang mga artista sa mga projects nila kaya walang uwian kumbaga. Unlike before na p’wedeng maka-segue sa ibang production kung may imbitasyon. “Kaya siguro, kung ’yong schedule namin magma-match lang du’n sa mga actors na uubra, we’ll make it work,” say ni JLC.

PHOTO: @JohnLloydCruzOfficial on Facebook

Aminado si John Lloyd Cruz, who is part of the creative team ng Happy ToGetHer sitcom niya sa GMA-7, na ang mag-imbita ng guest ang isa sa pinaka-mahirap na part ng pagbuo nila ng show. Nauunawaan naman daw kasi nila na naka-lock-in din ang mga artista sa mga projects nila kaya walang uwian kumbaga. Unlike before na p’wedeng maka-segue sa ibang production kung may imbitasyon. “Kaya siguro, kung ’yong schedule namin magma-match lang du’n sa mga actors na uubra, we’ll make it work,” say ni JLC.

Ayaw daw munang ipilit ni John Lloyd Cruz (JLC) na kuhanin bilang guest si Bea Alonzo sa kanyang upcoming sitcom sa Kapuso network na Happy ToGetHer.

Ito ang ipinaliwanag ng aktor sa digital media conference ng TV show kamakailan matapos matanong ng entertainment press kung kailan ba sila makikita ng public ni Bea na magkasama sa isang show. 

Most requested kasi ito ng mga fans nila na nakaka-miss sa kanilang tambalan. Baka nga naman p’wedeng matupad na ito ngayong pareho na silang nasa bakuran ng GMA-7. 

Sagot ni JLC, sinubukan naman daw nila na imbitahang mag-guest sa show ang aktres pero hindi pa raw ito posible sa ngayon. 

Nu’ng una we tried inviting her pero I think hindi nag-match ’yong schedule nu’ng programa namin at nu’ng schedule ni Ms. Bea Alonzo,” lahad ni John Lloyd sa press.

After nga kasi ng kanyang US vacation at iba’t ibang showbiz commitments ay nakatuon na ang focus ni Bea sa pelikula nila Alden Richards. 

Kaya for Lloydie, kahit sino daw na artista na pupuwedeng mag-guest sa show nila ay ’yon na muna ang kinukuha nila. Ang pag-iimbita daw kasi ng guests sa sitcom ang isa sa naging challenges nila. 

Siguro in general kung sino ’yong pupuwede. Sa ngayon kasi…parang ganu’n na ’yong pinagdaanan ng show namin, e,” aniya. 

Hindi naging madali na mabuo namin ’yong cast na ’to. Hindi naging madali ’yong proseso ng pag-invite ng mga guests. I guess, isa ’yon sa nagpatibay sa amin at nalagpasan naman namin ’yon and we’re on our second cycle now. So far, so good naman,” pagpapatuloy ng aktor. 

“So, tingin namin…siguro ako personally, kung sino ’yong uubra na lang at kung sino ’yong p’wede at kung sino ’yong talagang maluwag sa dibdib nila or available then we would welcome them with open arms. We’ll be happy to have them, kung sino na lang ’yong pupuwede.

Nauunawaan naman daw kasi nila na naka-lock-in din ang mga artista sa mga projects nila kaya walang uwian kumbaga. Unlike before na p’wedeng maka-segue sa ibang production kung may imbitasyon. 

Naintindihan natin medyo iba ’yong sistema ng trabaho ngayon. Lock-in ’yong proseso so madalas ’yong ibang artista naka-lock-in [sa ibang TV or movie projects] at mahirap mag-imbita na mag-guest,” sey pa ni John Lloyd.

Kaya siguro, kung ’yong schedule namin magma-match lang du’n sa mga actors na uubra, we’ll make it work.”

Nang matanong naman kung ano ang pinakamasayang part ngayong tuloy na tuloy na talaga ang pagbabalik-telebisyon n’ya via GMA-7, ito daw ay ang muling makasama ang mga dati n’yang nakatrabaho sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home

“I think, the best part is ’yong the reunion itself, ’yong makasama ulit sina Direk B [Bobot Mortiz], the people behind [the camera], ’yong mga writers, some of the cast ng dati naming programa,” sagot ng Kapamilya-turned-Kapuso actor. 

“And mahirap, actually, bumuo ng bagong kuwento, e. I think that’s the most challenging part. Every episode, s’yempre, kailangan bibigyan mo ’yong audience natin – ’yong ating mas matalinong audience na sa panahon ngayon – nang naaangkop sa panlasa nila, ’yong akma sa tema ng pangyayari ngayon,” paliwanag pa n’ya.

“So, every episode is very challenging. Pero dahil nga ang mga kasama ko dito ay dati ko ng kasama at tunay na maaasahan mo… ’yong very challenging at napakahirap na trabaho napapagaan ng presence ng isa’t isa,” pagtatapos ni John Lloyd.

Makakasama ni John Lloyd sina Carmi Martin, Miles Ocampo, Jayson Gainza, Janus del Prado, Ashley Rivera, and more sa Happy ToGetHer na mapapanood na simula December 26 sa GMA Network.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



John Lloyd Cruz, hindi muna ipipilit na maging guest si Bea Alonzo sa Kapuso sitcom niya
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment