Kris Bernal, willing iwanan ang showbiz basta manalo muna ng best actress award


Para kay Kris Bernal, mas naging competitive na sa showbiz ngayon kaya mas okey talaga kung may award ang isang artista bilang patunay sa husay nito sa pag-arte. “Para kasing it so easy to get famous now. Mamaya may mas angat na sa’yo, may mas sikat na sa’yo. So nandu’n ako sa point na ‘Paano pa ako? Paano pa ako mag-i-stay sa showbiz?’”

PHOTO: @krisbernal on Instagram

Para kay Kris Bernal, mas naging competitive na sa showbiz ngayon kaya mas okey talaga kung may award ang isang artista bilang patunay sa husay nito sa pag-arte. “Para kasing it so easy to get famous now. Mamaya may mas angat na sa’yo, may mas sikat na sa’yo. So nandu’n ako sa point na ‘Paano pa ako? Paano pa ako mag-i-stay sa showbiz?’”

Isa sa pinaka-pinangarap daw ni Kris Bernal ang makasungkit ng best actress award at willing daw s’yang iwanan ang showbiz basta ma-achieve na n’ya ito. 

Iyan ang pahayag ng aktres sa naging interview n’ya with TV host-actress and vlogger Toni Gonzaga sa online show nitong Toni Talks na in-upload sa YouTube kahapon, December 19.

Sa pag-uusap kasi nila ay na-bring up ang mga gusto pang maabot ng StarStruck Season 4 graduate sa kanyang showbiz career.

Aniya, sa tagal daw n’ya sa showbiz ay hindi s’ya nabigyan ng movie projects. Pangarap pa naman daw sana n’yang manalo ng acting awards. 

“For me lang kasi, parang ang tagal ko na sa showbiz, Ms. Toni. Let say 13 to 14 years, so parang naisip ko na I never had quality movies,” lahad ni Kris kay Toni. 

Gusto kong mag-movies. Always akong TV actress,” natatawang sabi pa n’ya. “At saka sa dinami-dami rin ng ginagawa kong shows, like every year may teleserye ako never pa akong nanalo ng best actress award. That’s a dream.”

At dito na n’ya nasabi na willing s’yang i-give up ang career sa entertainment industy basta masabi lang talagang may napatunayan na s’ya. Outside showbiz naman kasi ay businesswoman si Kris at ang asawa n’yang si Perry. 

Sabi ko talaga, ‘Sige, I would leave my career once makatanggap na ako ng best actress award.’ Kasi acting nga ’yong gusto ko, ’di ba? Pero grabe, I just get nominated but hindi ko talaga s’ya nakukuha,” pagbabahagi pa n’ya. 

Naisip daw kasi n’ya na sobrang competitive na sa showbiz ngayon kaya mas okey talaga kung award ka bilang patunay sa husay mo sa pag-arte.  

At saka, para kasing it so easy to get famous now. Mamaya may mas angat na sa’yo, may mas sikat na sa’yo. So nandu’n ako sa point na ‘Paano pa ako? Paano pa ako mag-i-stay sa showbiz?’” dagdag pa n’ya. 

Isa nga daw sa ikinakatakot n’ya noong nagpakasal s’ya ay baka wala na s’yang matanggap na project. 

“Actually, it’s one of my greatest fears sabi ko kapag ikakasal ako, e,” pag-amin ni Kris. “Sabi ko, ‘Hindi kaya mas lalong mawalan ako ng trabaho?’ Parang may ganu’n ako when I got married.” 

Pero para daw sa family daw n’ya, patuloy na magsisikap ang aktres. 

Talagang [sila ang] reason rin siguro kaya gusto kong magtrabaho nang magtrabaho kasi, alam mo ’yon, gusto mong lagi silang proud sa’yo. ’Yon din siguro ’yong reason kaya hanggang ngayon may gusto pa akong patunayan,” pagtatapos n’ya.

Samantala, kabilang si Kris sa legal crime series na Artikulo 247 kung saan kasama n’ya sina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Mark Herras, at iba na mapapanood sa GMA Network soon.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Kris Bernal, willing iwanan ang showbiz basta manalo muna ng best actress award
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment